Friday, November 24, 2017

#1



November 24, 2017

9:22 pm




Gabi na pero nasa harapan pa rin ako ng isang maliwanag na bagay na kung saan dito ka gumagawa ng isang proyekto, nakikipag chat, nanonood at naglalaro.


Ako ay gumagawa ng isang takdang aralin na kailangang ipasa online at bukas na ang deadline nito, habang ako'y gumagawa ay nanonood din ako ng palabas sa telebisyon.


Tom Sawyer ang pamagat. Ngunit sa kasamaang palad, nagloloko ang aming Tv Plus kung kaya't pinatay nalang ito ng aking tiya.


Ngayon, karga-karga niya ang kanyang panganay na anak na isa pa lamang sanggol. Pinapatulog ito marahil gabi na at kailangan ng magpahinga. Mainam sa isang sanggol ang matulog ng matulog sapagkat nadadagdagan ang kanilang paglaki at tamang proseso ng utak ayon sa isang pag-aaral.
Nagising ang aking Nanay (Lola) dahil sa lakas ng iyak ni Gabriel. Kinuha niya ito mula sa kanyang ina upang mapagpatuloy na ang naiwang paglalaba.


Ngayon siya na ang nagpapatulog rito, sana ay magtuloy-tuloy na ang mahimbing at tahimik na pagtulog ni Gabriel.

No comments:

Post a Comment